dzme1530.ph

Cesar Siador Jr., itinalagang GM at CEO ng Philippine Reclamation Authority!

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Cesar Siador Jr. bilang General Manager at Chief Executive Officer ng Philippine Reclamation Authority.

Inanunsyo ng Presidential Communications Office ang pag-appoint kay Siador, na isang Chemical Engineer na dating naging bahagi ng Dep’t of Environment and Natural Resources.

Samantala, pinangalanan din sina Former Quezon City Rep. Anthony Peter “Onyx” Crisologo at Alexander Lopez bilang member ng Board of Directors ng PRA.

Ang PRA ang nagbabantay at nangangasiwa sa reclamation projects sa bansa. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author