dzme1530.ph

Cesar Montano, nagdiwang ng 61st birthday kasama ang 3 anak kay Sunshine Cruz

Muling nakasama ni Cesar Montano ang kanyang tatlong anak na babae na sina Angelina, Sam, at Chesca sa pagdiriwang ng kanyang ika-61 kaarawan.

Sa Instagram, ibinahagi ng aktor ang ilang litrato mula sa kanyang intimate party.

Una nang nagpa-abot ng pagbati kay Cesar ang kanyang ex-wife na si Sunshine Cruz sa pamamagitan ng social media.

Muling nagkita ang dating mag-asawa sa debut ni Sam noong 2022 at sa graduation ng kanilang anak nito lamang taon.

About The Author