dzme1530.ph

Celtics, tinambakan ang Heat; buhay pa rin ang pag-asang lulusot sa NBA Finals

16 na 3-pointers ang pinakawalan ng Boston para makamit ang 110-97 victory laban sa Miami Heat, kaya naman nananatiling buhay ang pag-asa ng Celtics para sa pag-abot sa NBA championship.

Sa ikalawang sunod na laro, naiwasan ng Celtics na malaglag sa elimination, kaya naman nakahabol na ito sa 3-2 sa best-of-seven Eastern Conference finals.

Samantala, isang panalo nalang ang kailangan ng Heat, na nanalo na ng NBA title noong 2006, 2012 at 2013, para makaabot sa NBA Finals.

Ang mananalo sa series ay makakaharap ang Western Conference champion na Denver Nuggets na sa unang pagkakataon ay makapaglalaro sa NBA Finals. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author