dzme1530.ph

Celtics, nabuhayan ng pag-asa makaraang matakasan ang Miami Heat sa Eastern Conference Finals

Nananatiling buhay ang pag-asa ng Boston Celtics sa Eastern Conference Finals makaraang talunin sa unang pagkakataon ang Miami Heat sa kanilang Best-of-seven series sa score na 116-99.

Pinangunahan ni Jayson Tatum ang Celtics sa pamamagitan ng 33 points, at 11 rebounds at assists, habang lima pang players ang umiskor ng double figures.

Matapos manalo ng Heat noong Lunes sa score na 128-102, naharap ang Celtics sa posibilidad na 4-0 exit subalit ngayon ay nabuhayan sila ng loob at muling babawi sa susunod na game na gaganapin sa Biyernes sa Boston.

Bagaman wala pang team sa NBA na nakabangon mula sa 3-0 at nanalo sa best-of-seven playoff series, naniniwala ang Boston na makakabawi sila at aabot sa Finals kung saan naghihintay na ang Denver Nuggets. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author