dzme1530.ph

Ceasefire sa lahat ng political leaders, ipinanawagan

Sa paggunita sa National Bible Day, nanawagan si CIBAC Partylist Rep. Bro. Eddie Villanueva ng ceasefire sa lahat ng political leaders na nagbabangayan dahil sa People’s Initiative.

Hinamon ni Bro. Eddie ang lahat ng political camps na tigilan na ang political bickering’s at personal agenda, at sa halip magbalik loob sa Panginoon upang maiwasan ang pagkawasak ng bansa.

Sa talumpati sinabi nitong nasa krisis ang bansa, at hindi ito maikakaila, subalit sa pagtitipon noong Linggo sa Luneta at Davao City, hindi maganda ang mga salita ang narinig na kung hindi maaawat ay mabubulid ang bansa sa political crisis.

Ayon pa sa evangelist-turned-politician, may nakaambang panganib, at kung hindi magka-roon ng Divine intervention sa Pilipinas patungo ito sa krisis political, business, economic, social, at super-typhoon na mauuwi sa nationwide chaos at anarchy.

Kabilang sa mga politikong nag-iingay ay ang anak ni Bro. Eddie na si Senator Joel Villanueva, kung saan sinabi nitong nilinlang ng mga Kongresista ang taongbayan at mga senador sa isinusulong nilang People’s Initiative.—ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author