dzme1530.ph

CCC, nanawagan sa mga LGU na magpasa ng ordinansa kaugnay ng Local Climate Change Action Plan

Hinikayat ng Climate Change Commission ang mga lokal na pamahalaan na magpasa ng ordinansa kaugnay ng Local Climate Change Action Plan.

Sa Laging Handa Public Briefing, inihayag ni CCC commissioner Albert de la Cruz na mas mainam na ipasa ang mga ordinansa dahil hindi umuubra kapag ito ay resolusyon lamang.

Sa pamamagitan umano nito, magtatatag ang mga LGU ng climate action desk, action officer, at local climate change office.

Magkaroon din ng Specific Local Action Plan kabilang na sa Village level, at ang mga Sangguniang Bayan ay magtatatag ng Committee on Climate Change, bukod pa sa Committee on Environment.

Makakasama rin ang mga paaralan na-oobligahing magtalaga ng mga guro bilang Climate Change Officers.

Magiging bahagi rin nito ang Industry Climate Change Action Plan, kung saan ang malalaking malls, subdivisions, at business establishments ay magkakaroon ng Local Industry Climate Change Action Officer.

Iginiit ng CCC na ito ang magiging daan para sa whole of society, whole of nation approach sa giyera laban sa Climate Change, na maituturing umanong giyera laban sa ating sarili dahil tayo mismo ang sanhi ng pagbabago ng klima, kaya’t tayo rin ang magiging solusyon. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author