Isa na sa mga miyembro ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).
Sinabi ni NTF-ELCAC Executive Director Usec. Ernesto Torres na inaprubahan ng kanilang executive committee ang pagkakaroon ng isang miyembro mula sa religious sector bilang isa sa mga kinatawan mula sa pribadong sektor.
Ang CBCP ay kakatawanin ni Bishop Reynaldo Evangelista, at ang kanyang kapalitan ay si Father Jerome Secillano mula sa Episcopal Commission on Public Affairs.
Plano rin ng NTF-ELCAC na kumuha mula sa business sector bilang isa pang kinatawan sa private sector.
Inanunsyo rin ng task force na labing isa pang government agencies at departments ang isinali nila bilang regular members, dahilan para umakyat na ang bilang ng kanilang mga miyembro sa 32. —sa panulat ni Lea Soriano