dzme1530.ph

Police Report

Grade 11 student, arestado matapos makuhanan ng marijuana sa loob ng paaralan

Arestado ang isang Grade 11 student matapos makuhanan ng pinatuyong dahon ng marijuana at improvised pipe sa loob ng Rafael B. Lacson Memorial High School sa Barangay 12, Talisay City, Negros Occidental. Ayon kay Police Capt. Abegael Donasco, deputy chief ng Talisay City Police Station, nakatago ang iligal na droga sa pad paper ng 18 […]

Grade 11 student, arestado matapos makuhanan ng marijuana sa loob ng paaralan Read More »

Chinese national, arestado matapos manutok ng baril sa mga pulis sa inilatag na checkpoint sa Parañaque

Kalaboso ang isang Chinese national matapos tutukan ng baril ang mga pulis na naglatag ng checkpoint sa kahabaan ng Bradco Ave., Brgy. Tambo, Parañaque City. Sa report ng Southern Police District, isang Volkswagen Sedan ang pinara para sa checkpoint at security check ng mga tauhan ng Tambo Police Sub-Station na minamaneho ng suspek na si

Chinese national, arestado matapos manutok ng baril sa mga pulis sa inilatag na checkpoint sa Parañaque Read More »

NAPOLCOM kay PBBM: Tanggapin ang courtesy resignations ng 2 pol. gen. at 2 col. ng PNP

Inirekomenda ng National Police Commission (NAPOLCOM) kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. na tanggapin ang courtesy resignations ng dalawang police generals at dalawang colonels habang isinasailalim pa sa mas masusing imbestigasyon ang 32 iba pang mga opisyal. Ayon kay Interior Sec. Benhur Abalos, bukod sa pagtanggap sa courtesy resignations ng apat na police officials, inirekomenda rin

NAPOLCOM kay PBBM: Tanggapin ang courtesy resignations ng 2 pol. gen. at 2 col. ng PNP Read More »

4 patay, 2 kritikal sa aksidente sa daan sa Puerto Princesa City, Palawan

Nasawi ang apat na pasahero habang nasa malubhang kalagayan ang dalawang iba pa matapos sumalpok sa gilid ng kalsada ang sinasakyang shuttle van sa Puerto Princesa City, Palawan. Ayon sa ulat, 11 katao ang sakay ng van mula Quezon Palawan, na patungo sanang Puerto Princesa City. Mag a-12 ng tanghali, kahapon nang dumulas ang gulong

4 patay, 2 kritikal sa aksidente sa daan sa Puerto Princesa City, Palawan Read More »

Isang mataas na NPA official, patay sa ikinasang operasyon ng militar

Patay sa bakbakan ang isa sa mga itinuturing na mataas na opisyal ng New Peoples Army matapos ang ikinasang operasyon ng militar sa Negros Occidental. Kinilala ang nasawi na si Rogelio Posadas alyas “Poten” na umano’y secretary ng regional committee ng NPA. Ayon sa ulat, naka-engkwentro ni Posadas ang pwersa ng 62nd at 94th Infantry

Isang mataas na NPA official, patay sa ikinasang operasyon ng militar Read More »

Red Teams idedeploy para masiguro ang seguridad ngayon Semana Santa

Magpapalabas ng tinaguriang “Red Teams” ang Philippine National Police (PNP) para masiguro na maayos ang latag ng seguridad ngayong Semana Santa. Ayon kay PNP officer in charge, deputy chief for Administration Police Lt. Gen. Rhodel Sermonia, ang mga red teams na mag-iinspeksyon sa deployment ng mga pulis, ay nasa superbisyon ng Deputy Director for Operations

Red Teams idedeploy para masiguro ang seguridad ngayon Semana Santa Read More »

10 preso ng Malibay Police sub-station, nakatakas

Kinumpirma ng Malibay Police Sub-station na 10 mga preso ang hina-hunting na ng Pasay PNP matapos umanong makatakas kaninang madaling araw. Nangyari ang insidente pasado alas kwatro ng madaling araw kung saan nilagari umano ang rehas ng tatlong tumakas saka sumunod naman tumakas ang pitong iba pang preso. Kinilala ang mga nakatakas na sina: Richard

10 preso ng Malibay Police sub-station, nakatakas Read More »

2 Senior Citizen, ninakawan at pinatay sa Davao del Sur

Pinaghahanap ngayon ng mga tauhan ng PNP Bansalan ang suspek na nanloob at pumatay sa mag-asawang Senior Citizen sa Brgy. Kinuskusan, Bansalan, Davao del Sur. Ayon sa mga otoridad, alas-4 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng 66-anyos, na si Modesto Balili Gumapac, sa kama sa loob ng kanilang tahanan.   Habang sa labas ng

2 Senior Citizen, ninakawan at pinatay sa Davao del Sur Read More »

5 patay sa salpukan ng bus at truck sa Misamis Oriental

Patay ang lima katao sa salpukan ng pampasaherong bus at truck na may kargang mga isda, sa bayan ng Gitagum, sa Misamis Oriental. Ayon sa Gitagum Police, ang mga nasawi ay kinabibilangan ng mga driver ng nagbanggaang sasakyan at tatlong pasahero ng bus. 13 naman ang malubhang nasugatan, kabilang ang dalawang pahinante ng truck. Patungo

5 patay sa salpukan ng bus at truck sa Misamis Oriental Read More »