dzme1530.ph

Senate

Mababang test scores ng mga estudyante, may kinalaman sa mataas na presyo ng karne

Kakulangan ng protina ang isa sa dahilan kung kaya’t maraming bata ang malnourished at may mababang marka sa eskwelahan, ayon kay Senador Cynthia Villar. Tinukoy nito ang pag-aaral ng Organization for Economic Cooperation and Development Programme for International Student Assessment (PISA) kung saan lumitaw na mababa ang nakukuhang test scores ng mga estudyanteng nagmula sa […]

Mababang test scores ng mga estudyante, may kinalaman sa mataas na presyo ng karne Read More »

Pagtanggap ng PCG ng mga Chinese na Auxiliary members, target ipasilip sa Senado

Target ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na ipasilip sa Senado ang naging proseso ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pagtanggap sa 36 na Chinese nationals bilang auxiliary o dagdag na pwersa. Sinabi ni dela Rosa na hindi niya nagustuhan ang pagre-recruit sa mga Chinese nationals bilang dagdag na pwersa sa PCG na ang ilan

Pagtanggap ng PCG ng mga Chinese na Auxiliary members, target ipasilip sa Senado Read More »

Pagdedeklara ng State of Traffic Calamity sa Metro Manila, hindi kailangan

Nanindigan si Sen. Grace Poe na hindi kinakailangan ng pagdedeklara ng State of Traffic Calamity sa Metro Manila dahil sa araw-araw na itong nararamdaman at nararanasan. Sinabi ng chairperson ng Senate Committee on Public Services na ang dapat gawin ng gobyerno ay makinig, ikunsidera at ipatupad ang mga rekomendasyon ng mga eksperto sa paglutas sa

Pagdedeklara ng State of Traffic Calamity sa Metro Manila, hindi kailangan Read More »

Gobyerno, dapat magkaroon ng konkretong plano sa pagtugon sa traffic congestion

Dapat magkaroon ng konkretong plano ang gobyerno kung paano lulunasan ang lumalalang traffic situation sa bansa, hindi lamang sa Metro Manila. Ito ang binigyang-diin ni Senate Majority Leader Joel Villanueva bilang reaksyon sa panawagan ng Business Group Management Association of the Philippines na ideklara ang State of Traffic Calamity dahil sa napakalaking nawawala sa ekonomiya

Gobyerno, dapat magkaroon ng konkretong plano sa pagtugon sa traffic congestion Read More »

Kaugnayan ng isang alkalde sa operasyon ng POGO sa Tarlac, pinasisilip sa DILG

Hinimok ni Sen. Win Gatchalian ang Department of Interior and Local Government (DILG) na busisisin ang posibleng kaugnayan ni Bamban Mayor Alice Guo sa isang POGO na ni-raid sa Tarlac dahil sa human trafficking at serious illegal detention. Ginawa ni Gatchalian ang panawagan makaraang lumitaw sa ilang dokumento ang posibleng kaugnayan ni Guo sa operasyon

Kaugnayan ng isang alkalde sa operasyon ng POGO sa Tarlac, pinasisilip sa DILG Read More »

China, dapat papanagutin sa pananakit sa 3 Navy personnel dahil sa water cannon attack

Dapat papanagutin ng gobyerno ang China sa pinakahuling water cannon attack laban sa Philippine supply vessel na ikinasugat ng tatlong Navy personnel. Ito ang binigyang-diin ni Sen. Grace Poe kasabay ng pahayag na dapat nang matigil ang mga ganitong uri ng uncivilized action. Tinukoy ni Poe ang patindi na nang patinding aksyon ng China na

China, dapat papanagutin sa pananakit sa 3 Navy personnel dahil sa water cannon attack Read More »

Publiko, hinikayat na doblehin ang pag-iingat laban sa sakit na Pertussis

Hinimok ni Senate Committee on Health Chairman Christopher Bong Go ang publiko na dapat na maging alerto at mag-ingat habang ang gobyerno ay dapat na agarang umaksyon para mapigilan ang pagkalat ng pertussis o whooping cough. Ginawa ni Go ang panawagan makaraang ideklara ang pertussis outbreak sa Quezon City dulot ng mataas na kaso ng

Publiko, hinikayat na doblehin ang pag-iingat laban sa sakit na Pertussis Read More »

Sen. Dela Rosa, hindi pa nawawalan ng pag-asa na maipasa ang Mandatory ROTC Bill

Hindi pa rin nawawalan ng pagasa si Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa na maipapasa sa Senado ang panukala para sa Mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) sa tertiary level. Sinabi ni dela Rosa na umaasa siyang pagbalik ng sesyon sa Mayo ay matatalakay na ang panukala sa plenaryo. Una nang sinabi ni Senador Robin Padilla

Sen. Dela Rosa, hindi pa nawawalan ng pag-asa na maipasa ang Mandatory ROTC Bill Read More »

Pagkondena ng China Coast Guard Sa resupply mission ng Pilipinas sa Ayungin Shoal, isang kabastusan —Senador

Tinawag ni Sen. Francis Tolentino na kabastusan ang pinakahuling pahayag ni China Coast Guard spokesperson Gan Yu hinggil sa resupply mission ng gobyerno sa mga tropa na nakatalaga sa BRP Sierra Madre. Una nang sinabi ni Yu na sinasadya at nakagagalit ang hakbang ng Pilipinas na paglabag din sa soberanya, karapatan, at interes ng China.

Pagkondena ng China Coast Guard Sa resupply mission ng Pilipinas sa Ayungin Shoal, isang kabastusan —Senador Read More »

₱7-B pondo, ginastos ng gobyerno kada taon sa Non-Poor Beneficiaries ng DEPED voucher program

Umabot sa ₱7-B ang ginugol ng pamahalaan bawat taon para sa mga benepisyaryo ng Senior High School Voucher Program (SHS-VP) na hindi naman nangangailangan o ‘yung tinatawag na Non-Poor Beneficiaries. Ito ang isa sa mga pinuna ni Sen. Win Gatchalian sa pagtalakay sa pagpapatupad ng Republic Act No. 8545 o Expanded Government Assistance to Students

₱7-B pondo, ginastos ng gobyerno kada taon sa Non-Poor Beneficiaries ng DEPED voucher program Read More »