dzme1530.ph

Latest News

Panukalang 2026 budget, lusot na sa Senado

Loading

Approved na sa third and final reading ang panukalang ₱6.793 trillion na 2026 national budget. Sa botong 17 senador na pumabor, walang tumutol at walang nag-abstain; inaprubahan na ng Senado ang House Bill 4058 o ang General Appropriations Bill. Tulad ng mga naunang deklarasyon, ang sektor ng edukasyon ang may pinakamalaking alokasyon sa panukalang pambansang […]

Panukalang 2026 budget, lusot na sa Senado Read More »

Validity ng PWD ID ng mga may permanent disability, isinusulong gawing lifetime

Loading

Dapat gawin nang permanente ang validity ng Persons With Disability (PWD) ID ng mga taong permanente na rin ang disability tulad ng mga deaf, mute, blind, o walang paa o kamay. Ito ang iginiit ni Sen. Erwin Tulfo kasabay ng pagsasabing hindi tamang ipinarerenew pa ang validity ng kanilang mga ID dahil wala namang tsansa

Validity ng PWD ID ng mga may permanent disability, isinusulong gawing lifetime Read More »

Sen. dela Rosa, hindi dapat sumuko sa foreign power —Sen. Padilla

Loading

Huwag sumuko sa kapangyarihan ng dayuhan. Ito ang ipapayo ni Senador Robin Padilla kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kung makausap niya ito. Ang reaksyon ni Padilla ay kasunod ng naging pahayag ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na may inilabas nang warrant of arrest ang International Criminal Court laban kay dela Rosa. Kasabay nito,

Sen. dela Rosa, hindi dapat sumuko sa foreign power —Sen. Padilla Read More »

Suspensyon ng excise tax sa produktong petrolyo, iginiit

Loading

Isinusulong ni Sen. Lito Lapid ang panukalang magpapatupad ng awtomatikong suspensyon ng excise tax sa mga produktong petrolyo. Layunin ng Senate Bill 1522 ni Lapid na amyendahan ang Section 148 ng National Internal Revenue Code. Ang batas ay una na ring inamyendahan ng TRAIN Law kaugnay ng ipinapataw na excise taxes bilang promosyon sa energy

Suspensyon ng excise tax sa produktong petrolyo, iginiit Read More »

30 tipster, nakatanggap ng pabuya mula sa PNP

Loading

Pormal nang tinanggap ng 30 tipster ang kabuuang ₱10.6 milyon na cash reward mula sa Philippine National Police. Sa ginanap na Handover of Monetary Reward sa Camp Crame, personal na iniabot ni PNP Acting Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang pabuya sa mga informant na nakatulong upang maaresto ang iba’t ibang kriminal na

30 tipster, nakatanggap ng pabuya mula sa PNP Read More »

PNP, mahigpit na nakikipag-ugnayan sa AFP kaugnay ng posibleng pagganti ng grupong Dawlah Islamiya

Loading

Naka-alerto ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa posibleng pagganti ng grupong Dawlah Islamiyah matapos mapatay ang lider at bomb expert na si Ustadz Mohammad Usman Solaiman nitong Linggo sa Maguindanao del Sur. Iniutos ni PNP Acting Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr. sa lahat ng unit ng pulisya sa Central at Western Mindanao

PNP, mahigpit na nakikipag-ugnayan sa AFP kaugnay ng posibleng pagganti ng grupong Dawlah Islamiya Read More »

Gobyerno, hindi dapat manghina sa pagsugpo sa katiwalian

Loading

Iginiit ni Sen. Panfilo Lacson na hindi dapat manghina ang gobyerno sa pagsugpo sa korapsyon sa likod ng mga maanomalyang proyekto sa imprastraktura. Kabilang sa mga hakbang na hindi dapat bitiwan ng gobyerno ang panukalang Independent People’s Commission (IPC), na maaaring maging kapalit ng Independent Commission for Infrastructure (ICI). Ayon kay Lacson, kahit limitado ang

Gobyerno, hindi dapat manghina sa pagsugpo sa katiwalian Read More »

Sub-Task Group on Emergency Preparedness and Response ng OCD, naka-preposition na para sa ASEAN Summit sa Dec. 10-13

Loading

Isang araw bago ang pagsisimula ng ASEAN Senior Economic Officials Meeting mula Disyembre 10 hanggang 13, 2025 sa Boracay Island, Aklan, naka-preposition na ang Sub-Task Group on Emergency Preparedness and Response ng Office of Civil Defense. Personal na pinangasiwaan ni Civil Defense ASec. Bernardo Alejandro IV ang paglalatag ng mga kinakailangang hakbang, katuwang ang mga

Sub-Task Group on Emergency Preparedness and Response ng OCD, naka-preposition na para sa ASEAN Summit sa Dec. 10-13 Read More »

Suspek sa pagpatay sa Lebanese national, kusang sumuko sa pulis

Loading

Kusang sumuko sa tanggapan ng pulisya ang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang Lebanese national noong Nobyembre 23, 2025. Kinilala ang suspek na si Ramil, residente ng Gapan City, Nueva Ecija, na kusang isinuko ang kanyang sarili dakong 10:30 ng umaga kahapon sa Baliwag City Police Station. Ayon kay Police Regional Office 3 Regional Director

Suspek sa pagpatay sa Lebanese national, kusang sumuko sa pulis Read More »

Malakanyang, binalaan sa galit ng publiko kapag ibinasura ang panukalang pagbuo ng IPC

Loading

Nagbabala si dating Senate President Franklin Drilon na mas titindi ang galit ng taumbayan kung i-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang naglalayong lumikha ng Independent People’s Commission (IPC). Ginawa ni Drilon ang babala kasunod ng pananamlay ng Malakanyang sa panukalang pinagsisikapang ipasa ng Senado at Kamara. Ipinaalala ng dating senador na galit na

Malakanyang, binalaan sa galit ng publiko kapag ibinasura ang panukalang pagbuo ng IPC Read More »