dzme1530.ph

Global News

Speaker Romualdez, nagpasalamat sa Aid package at Security assistance ng US

Pinasalamatan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang United States House of Representatives sa Bipartisan support sa pag-apruba sa $8.1-billion Emergency Aid Package sa key allies nito sa Indo-Pacific kabilang na ang Pilipinas. Sa botong 385-34, pinagtibay ng US House of Representatives ang $8.1-billion Bill na naglalaan ng $4-billion sa Security assistance sa Taiwan at […]

Speaker Romualdez, nagpasalamat sa Aid package at Security assistance ng US Read More »

Pinakamalaking Balikatan exercise, umarangkada na ngayong Lunes

Nagsimula na ngayong Lunes ang Balikatan Joint Military Exercise sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, na itinuturing na pinakamalaking iteration na nilalahukan ng 16,700 mga sundalo. Ang 39th Balikatan na pinakamalaking aktibidad sa loob ng apat na dekada at magtatagal hanggang sa May 10, ay gaganapin sa Palawan at Batanes, malapit sa Taiwan at

Pinakamalaking Balikatan exercise, umarangkada na ngayong Lunes Read More »

Russia, inalis ang Peacekeeping forces nito sa Karabakh

Nagsimula nang umalis ang Russian Forces mula sa Karabakh Region sa Azerbaijan kung saan nagsilbi silang Peacekeepers simula nang matapos ang digmaan sa pagitan ng Armenia at Azerbaijan noong 2020. Sa Press Conference, kinumpirma ng tagapagsalita ng Kremlin ang report tungkol sa withdrawal ng kanilang tropa subalit hindi na ito nagbigay ng iba pang detalye.

Russia, inalis ang Peacekeeping forces nito sa Karabakh Read More »

Mga Pinoy sa Israel, ligtas sa missile at drone attacks

Kinumpima ng Philippine Embassy sa Israel na walang Pilipinong nasawi kasunod ng missile at drone attacks noong April 14. Ayon sa Embahada, ang mga Pilipino ay ligtas, patuloy na pinoprotektahan sa kanilang pang-araw-araw na gawain, at tiwala ito sa kakayahan ng Israel na ipagtanggol ang bansa. Ang Philippine Embassy ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa Filipino

Mga Pinoy sa Israel, ligtas sa missile at drone attacks Read More »

Alert Level Status sa Israel, hindi kailangan itaas -DFA

Hindi kailangan ng Gobyerno ng Pilipinas na itaas ang Alert level Status sa Israel kasunod ng Missile at Drone attack ng Iran sa lugar. Ayon sa Department Of Foreign Affairs(DFA), mananatili sa alert level 2 ang status sa Israel, na ibig sabihin ay mahigpit na ipatutupad ang karagdagang deployment ng Overseas Filipino Workers(OFWS). Inirerekomenda rin

Alert Level Status sa Israel, hindi kailangan itaas -DFA Read More »

Unang 7 jurors, napili na para sa criminal trial ni dating US President Donald Trump

Pitong Manhattan residents ang napili para magsilbing jury sa criminal trial ni dating US President Donald Trump. Sa selection process, ang anonymous members ng jury na binubuo ng apat na lalaki at tatlong babae ay makikilala lamang sa pamamagitan ng mga letra at numero, gaya ng b400 at b280. Kinabibilangan ito ng isang salesman, nurse,

Unang 7 jurors, napili na para sa criminal trial ni dating US President Donald Trump Read More »

Old Stock Exchange sa Denmark, nilamon ng apoy

Nilamon ng apoy ang Old Stock Exchange sa Copenhagen, na isa sa mga pinakasikat na landmark sa kabisera ng Denmark. Sa laki ng apoy nahati ang naglalagabgab na iconic spire bago bumagsak, na nagpa-alala sa nangyaring sunog sa Notre-Dame Cathedral sa Paris noong 2019. Kaniya-kaniya namang bitbit ng malalaking paintings palayo sa nasusunog na building

Old Stock Exchange sa Denmark, nilamon ng apoy Read More »

Halos 20 katao nasawi sa aksidente ng sasakyan sa Pakistan

Patay ang 17 katao habang 41 ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang truck sa Southwestern Pakistan. Nangyari ang aksidente alas-10 ng gabi sa hub district ng Balochistan province nang mawalan ng kontrol ang driver ng truck bunsod ng labis na pagpapatakbo o overspeeding. Patungo sana ang nasawing religious pilgrims sa prayer site noong

Halos 20 katao nasawi sa aksidente ng sasakyan sa Pakistan Read More »

Pilipinas, planong bumuo ng FTA sa America sa cyberspace at digital technology

Plano ng Pilipinas na bumuo ng bilateral Free Trade Agreement (FTA) sa America sa cyberspace, digital technology, at iba pang larangan. Ayon kay Philippine Ambassador to USA Jose Manuel Romualdez, committed ang America sa pagtulong at itinuturing nito ang Pilipinas bilang isang major investment hub para sa maraming American companies. Bukod dito, tinitingnan din umano

Pilipinas, planong bumuo ng FTA sa America sa cyberspace at digital technology Read More »

USA, popondohan ang PGI Luzon Corridor na magko-konekta sa Subic Bay, Clark, Manila, at Batangas

Inanunsyo ng America ang popondohang PGI Luzon Corridor na magko-konekta sa Subic Bay, Clark, Manila, at Batangas. Sa background press bago ang makasaysayang PH-USA-Japan trilateral summit sa Washington D.C USA, inihayag ng White House na ang proyekto ang kauna-unahang partnership for global infrastructure corridor sa Indo-Pacific, na layuning mapabilis ang investments sa high-impact infrastructure projects

USA, popondohan ang PGI Luzon Corridor na magko-konekta sa Subic Bay, Clark, Manila, at Batangas Read More »