Pinayuhan ang mga motorista na maghanda dahil aalisin na ang cash lanes simula sa Sept. 1 at kailangan nang gamitin ang Radio Frequency Identification (RFID) stickers upang makadaan sa Expressways, para sa pagpapatupad ng Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) ng cashless payment system.
Umaasa si MPTC President Rogelio Singson na ang transition para sa fully cashless system sa lahat ng toll roads ay hanggang sa katapusan ng 2024.
Sinabi ni Singson na sa ngayon ay nasa 75% ng mga motorista ang gumagamit ng RFID system para magbayad ng kanilang tolls habang libre naman ang RFID stickers.
Hawak ng MPTC ang concession sa mahahalagang Expressways, gaya ng North Luzon Expressway, Subic-Clark Tarlac Expressway, NLEX Connector Road, Manila-Cavite Expressway, Cavite-Laguna Expressway at Cebu-Cordova Link Expressway sa Cebu. —sa panulat ni Lea Soriano