dzme1530.ph

Cash reward, makukuha lang ng impormante kapag na-convict si dating BuCor chief Gerald Bantag —DOJ

Nilinaw ng Department of Justice na hindi makukuha ng mga impormante ang alok na pabuya ng pamahalaan kapag hindi na-convict sina dating Bureau of Corrections chief Gerald Bantag at dating deputy officer Ricardo Zulueta.

Ipinaliwanag ni Justice Spokesperson Asec. Mico Clavano na ibibigay ang reward sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para maaresto at matagumpay na mapanagot ang wanted na akusado.

Sakali aniya na ma-convict ang akusado, saka lamang ibibigay ang pabuya sa impormante.

Kumpiyansa ang ahensya na nasa Pilipinas pa rin si Bantag.

Kahapon ay inanunsyo ng DOJ at ng National Bureau of Investigation ang alok na 2 million pesos kapalit ng impormasyon para sa ikadarakip ni  Bantag at P1-M para kay Zulueta.

Ang dalawa ang itinuturong masterminds sa pagpaslang sa broadcaster na si Percy Lapid at umano’y middleman sa krimen na si Jun Villamor. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author