dzme1530.ph

Carlos Yulo, umatras sa Cairo Leg ng 2023 Artistic Gymnastics Apparatus World Cup bunsod ng sprained ankle

Umatras si Filipino Olympic Gymnast Carlos Yulo mula sa Cairo Leg ng 2023 Artistic Gymnastics Apparatus World Cup bunsod ng sprained ankle, ayon kay Gymnastics Association of the Philippines (GAP) President Cynthia Carrion.

Na-sprain ng 23-anyos na Pinoy gymnast ang kanyang bukong-bukong sa training session, dahilan para hindi ito makatuloy sa ika-4 at huling leg ng World Cup Series na nagsimula kahapon.

Si Yulo ay nakahakot ng tatlong gintong medalya para sa floor exercise, vault, at parallel bars; isang silver medal sa parallel bars; at dalawang bronze medals sa parallel bars at vault sa unang tatlong leg ng World Cup Series.

Cleared naman na si Yulo para makipag-compete sa 32nd SouthEast Asian Games sa Cambodia na gaganapin simula sa May 5 hanggang 17.

Ang gymnastics competition sa Phnom Penh Games ay itinakda sa May 8 hanggang 13.

About The Author