dzme1530.ph

Carlos Yulo pasok na rin sa 2024 Paris Olympics

Pasok na si Carlos Yulo sa 2024 Paris Olympics sa pamamagitan ng 2023 World Artistic Gymnastics Championships na ginanap sa Antwerp, Belgium.

Nag-qualify ang 23 anyos na si Yulo makaraang makuha ang pinakamataas na ranking sa floor exercise.

Ito ang ikalawang pagkakataon na sasabak ang Filipino gymnast sa summer games, matapos ang 2020 Tokyo Olympics.

Si Yulo ang ikalawang Pinoy Athlete na nag-qualify sa Paris Olympics kasunod ng Pole Vaulter na si EJ Obiena. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author