dzme1530.ph

Carla Abellana, walang balak mag-asawa muli

Walang balak si Carla Abellana na muling magpakasal sa sandaling ma-annul ang kasal nila ng estranged husband na si Tom Rodriguez.

Sinabi ng 37- anyos na aktres na sa totoo lang ay ayaw na niyang mag-asawa ulit subalit hindi naman niya pipigilan ang sarili na muling magmahal sakaling dumating ang tamang panahon.

Idinagdag ni Carla na ibubuhos muna niya ang lahat ng atensyon at oras sa kanyang career.

January 2022 nang maghiwalay sina Carla at Tom matapos lamang ang tatlong buwang pagsasama bilang mag-asawa. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author