Inaasahang tutulak patungong Roma si Caloocan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ngayong linggo, kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.
Ayon sa Diocese of Caloocan, inaayos na ni Cardinal David ang kanyang mga dokumento sa pagbiyahe at nakikipag-ugnayan na sa Apostolic Nunciature.
Kapag ang pumanaw o nagbitiw ang Santo Papa, pangangasiwaan ng College of Cardinals ang Simbahang Katolika hanggang sa makapagluklok ng bagong Pope sa pamamagitan ng Conclave.
Inaasahang magtutungo sa Roma ang mga Kardinal sa iba’t ibang panig ng mundo para sa libing ni Pope Francis at sa Conclave para sa bagong Santo Papa.