dzme1530.ph

Canada, planong magtatag ng agriculture headquarters sa Pilipinas

Pinaplano ng Canada na magbukas ng agriculture headquarters sa Pilipinas upang mapalakas pa ang exports at import activities ng dalawang bansa.

Sa courtesy call sa Malacañang ni Canadian Foreign Affairs Minister Mélanie Joly, ipinabatid ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagiging bukas ng Pilipinas sa non-traditional markets.

Binanggit din nito ang pagbubukas ng agricultural markets ng ASEAN countries para sa iba pang bansa tulad ng Canada na isang partner ng ASEAN.

Ang Pilipinas at Canada ay nagpapalitan ng iba’t ibang produkto tulad ng karneng baboy, copper ore, insulated wires, at intergrated circuits.

Samantala, pinuri rin ng Pangulo ang lumalalim na people-to-people ties ng dalawang bansa, sa harap ng dumarami pa ring Pinoy immigrants sa Canada na tinawag ni marcos bilang ‘Happiest Filipinos abroad.’

Tinalakay din ang pagsasaayos ng immigration processes at facilities sa kanilang mga embahada, at pag-aalok ng scholarship para sa Filipino students. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author