dzme1530.ph

Canada, nakapagtala ng kauna-unahang kaso ng BA.2.86 Omicron variant ng COVID-19

Nadiskubre ang kauna-unahang kaso ng highly mutated BA.2.86 Omicron variant ng Coronavirus infection sa bansang Canada.

Ayon sa State Health Officials, na-detect ang bagong variant sa isang taga-British Columbia na walang travel history sa labas ng Pacific province.

Inanunsyo sa joint statement nina Province’s Top Doctor Bonnie Henry at Health Minister Adrian Dix, na hindi na-ospital ang naturang pasyente at hindi rin nakitaan ng panganib ang naturang lineage ng virus sa mga residente roon.

Nabatid na noong nakaraang buwan, unang nakapagtala ang Denmark ng BA.2.86 lineage ng virus na sinundan ng United States, Switzerland, at Israel. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author