dzme1530.ph

Canada, magkakaloob ng $5.3-billion climate change financing sa Pilipinas

Magkakaloob ang Canada ng $5.3-billion sa Pilipinas, para sa pagtugon sa epekto ng climate change.

Ayon kay Global Affairs Canada Climate Finance Executive Director Andrew Hurst, pinaigting ng Canada ang suporta sa bansa sa pangangalaga ng biodiversity, climate change mitigation at adaptation, at climate resilience.

Patatakbuhin ang pondo hanggang sa 2026 sa pakikipagtulungan sa United Nations Development Program, at umaasa ang Canada na mabubuo ang mga solusyon hindi lamang para sa kapaligiran kundi para na rin sa pag-resolba sa kahirapan at pagtataguyod ng gender equality.

Hinihikayat din ang international at local private sectors na mag-invest sa climate solutions.—ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author