dzme1530.ph

Calvin “The Beast” Abueva, nangakong ibibigay ang 110% sa kanyang pagbabalik sa Gilas Pilipinas

Asahan ang naiibang Calvin Abueva sa muling pagsusuot niya ng Gilas Pilipinas uniform makaraang ipatawag para sa nalalapit na kampanya ng koponan sa Asian Games sa China.

Si Abueva, kasama ang 13 players at dalawang coach ay nasuspinde bunsod ng pagkakasangkot sa Philippine-Australia brawl noong 2019 FIBA World Cup Qualifier na ginanap sa bansa, ay nagbabalik sa national team makalipas ang limang taon.

Tiniyak ng 35-anyos na tinaguriang “The Beast” na 110% ang kanyang ibibigay sa kanyang pagbabalik sa pambansang koponan.

Si Abueva ay kabilang sa mga dumalo sa unang practice ng Gilas para sa Asian Games sa PhilSports Arena, kasama sina June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Scottie Thompson, at Justin Brownlee. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author