dzme1530.ph

Call center agents na tatawid sa kalsada, nabundol ng sasakyan

Patay ang isang call center agent at kritikal naman ang isa pa matapos ma-hit and run ng isang sasakyan habang patawid ng kalsada sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Ayon kay Pol. Lt. Col. Warly Calingayon Bitog, hepe ng Cabanatuan City Police, papasok na sana ng trabaho ang yumaong biktima na si Fely Luz Tamayo kasabay ang kasamahan nitong si Hanna Marie Castro na umano’y seriously injured.

Sa kuha ng CCTV, sabay na tumawid sina Tamayo at Castro at nang makarating sa gitna ng kalsada ay kapwa huminto ang mga biktima para magbigay-daan sa paparating na truck sa kanilang kanang bahagi, makikita rin ang ilaw ng paparating na kotse sa kanilang kaliwa na sumalpok sa dalawa.

Agad namang humarurot ang driver ng sasakyan at iniwan ang mga biktima.

Natunton ang kotse sa isang talyer malapit sa pinangyarihan ng insidente na may bakas ng mga dugo.

Ayon sa mga otoridad, mayroon na silang person of interest sa kaso ngunit tumanggi pa ang mga ito na magbigay ng karagdagang detalye.

Sa ngayon patuloy anila ang imbestigasyon ng pulisya para matunton ang suspek.

About The Author