Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang Calayan, Cagayan, alas-7:03 kagabi.
Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang episentro ng lindol sa layong 22 kilometro, hilagang silangan ng Dalupiri Island.
May lalim ang lindol na 41 kilometro at tectonic ang origin nito.
Naramdaman ang Intensity V sa Bacarra, Bangui, Burgos, Lungsod ng Laoag, Pagudpud, Paoay, Pasuquin, at San Nicolas sa Ilocos Norte
Intensity IV sa Luna, Apayao; Lungsod ng Batac, Currimao, at Pinili sa Ilocos Norte; Claveria, Enrile, Pamplona, Sanchez-mira, at Santa Praxedes sa Cagayan
Intensity III naman sa Bucay, Lacub, Lagayan, at San Juan sa Abra; Banayoyo, Bantay, Burgos, Caoayan, San Emilio, San Esteban, San Ildefonso, San Vicente, Santa Catalina, Santa Cruz, Santiago, Sigay, at Vigan City, sa Ilocos Sur; Solana, Cagayan; Santo Domingo, sa Nueva Ecija.
Intensity II sa Dolores, La Paz, Luba, Pidigan, at Tubo, Abra; Narvacan, Santa, at Santa Maria Sa Ilocos Sur; at Aparri, Cagayan.
Intensity I sa San Isidro, Abra; Candon City, at Tagudin, sa Ilocos Sur; Camalaniugan, Lal-Lo, at Santa Ana sa Cagayan.
Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang tsunami kasunod ng lindol pero ipinaalala nito na posible pa rin magdulot ng pinsala at aftershocks ang nasabing pagyanig .