dzme1530.ph

CALAX Silang Interchange, maniningil na ng toll simula bukas

Maniningil na ang Cavite-Laguna Expressway (CALAX) ng toll para sa kanilang Silang, Aguinaldo Interchange simula bukas, Feb. 10.

Ayon sa Toll Regulatory Board, P17 ang bayad para sa class 1 vehicles; P35 sa class 2; at P52 sa class 3.

Nilinaw naman ng TRB na walang babaguhin sa singil sa iba pang CALAX Subsections.

Ang Silang, Aguinaldo Interchange na nagbukas noong Nov. 18, ay nagbigay ng mas mabilis na daan patungo sa Tagaytay na dinarayo ng mga turista. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author