Inaasahan ng Civil Aviation Authority of the Philippines na kaunti lamang ang bilang ng flights na ma-a-apektuhan ng dalawang oras na air space shutdown sa May 17 para bigyang daan ang corrective maintenance ng Air Traffic Management Center.
Sa statement, sinabi ng CAAP na ang maintenance activity ay gagawin simula alas-2 hanggang alas-4 ng madaling araw sa Miyerkules.
Mas maiksi ito kumpara sa naunang inanunsyo na anim na oras na Air Space Maintenance Shutdown sa kaparehong petsa.
Inihayag ng CAAP na nakipag-coordinate na sila at nag-abiso nang maaga sa concerned stakeholders, gaya ng air carriers at airport operators, Manila International Airport Authority, Luzon International Premiere Airport Development Corp., at GMR-Megawide Cebu Airport Corporation para sa isasagawang aktibidad. —sa panulat ni Lea Soriano