dzme1530.ph

CAAP, naglabas ng air space precaution kaugnay ng satellite launch ng North Korea

Naglabas ang Civil Aviation Authority of the Philippines ng Notice to Airmen (NOTAM) kaugnay ng ilulunsad na satellite ng North Korea.

Kinumpirma ni CAAP spokesperson Eric Apolonio na inisyuhan ng NOTAM ang lahat ng commercial pilots para iwasan ang air space sa paligid ng North Korea, South Korea, at eastern Japan.

Batay sa inilabas na NOTAM, pinaiiwas ang mga piloto sa pagpasok sa apektadong air space at maging aware sa North Korea Testing Activity simula bukas ng alas-8 ng umaga, May 31, hanggang 7:59 ng umaga sa June 11.

Una nang inanunsyo ng North Korea na nasa final preparations na ito para sa launching ng kanilang kauna-unahang Completed Military Spy Satellite. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author