Nakibahagi ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa pagdiriwang ng Mother’s Day at ang ilang mga paliparan sa probinsya na painangangasiwaan nito.
Ang espesyal na pagdiriwang ng Araw ng mga Ina ay isang pagkilala sa kanilang sakripisyo sa pamamagitan ng pamamahagi ng Malasakit Kits sa mga inang naglalakbay.
Sa mga paliparan ng General Santos Airport, Tuguegarao Airport, Dipolog Airport, Bicol International Airport, Davao International Airport, Cauayan Airport, Tacloban Airport, Catarman Airport, at Calbayog Airport.
Ayon Kay CAAP Dir. Gen. Capt. Manuel Antonio Tamayo, ang pamamahagi ng Malasakit Help Kits ay isang paraan lamang ng pagpapakita na iginagalang ang kanilang mga kontribusyon at maipadama sa kanila ang pagpapahalaga at suporta habang patuloy nilang inuuna ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya.
Bahagi lamang anya ito bilang patunay sa pangako ng mga paliparan ng probinsiya sa pagbibigay ng mahusay na serbisyo at pangangalaga sa riding public. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News