dzme1530.ph

Byahe ng Supercat Ormoc to Cebu City, kinansela na ngayong araw —PPA

Pansamantalang suspendido na ang biyahe ng Supercat mula Ormoc City papuntang Cebu City ngayong araw simula 8:30 ng umaga at 3:30 ng hapon.

Bunsod pa rin ng nararanasang malalakas na alon sa karagatan na dulot ng Super Typhoon Betty.

Pinapayuhan ng Philippine Ports Authority (PPA) ang lahat ng apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa concerned shipping lines para sa karagdagang detalye.

Sa ngayon wala pa namang naitatalang mga estranded na pasahero sa nasabing anunsiyo. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author