dzme1530.ph

Buying price ng palay, itinaas ng NFA Council

Itinaas ng National Food Authority (NFA) Council ang buying price ng palay upang palakasin ang buffer stock ng ahensya at maging mas competitive sa merkado.

Sa briefing, inanunsyo ni Agriculture Assistant Secretary at Spokesman Arnel de Mesa, na inaprubahan ng NFA Council ang bagong buying price para sa dry and clean, at fresh palay.

Sinabi ni de Mesa na ang bagong buying price para sa dry and clean palay ay ₱23 hanggang ₱30 per kilo mula sa dating ₱19 hanggang ₱23 per kilo.

Samantala, ang procurement price naman ng fresh o sariwang palay ay itinaas sa ₱17 hanggang ₱23 per kilo mula sa ₱16 hanggang ₱19 per kilo.

About The Author