dzme1530.ph

Businessman Eduardo Aliño, itinalagang bagong SBMA Chief

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang negosyanteng si Eduardo Aliño bilang bagong Administrator ng Subic Bay Metropolitan Authority.

Pinalitan niya si former SBMA Chief Jonathan Tan, na itinalaga namang Undersecretary ng Dep’t of Interior and Local Gov’t.

Kaugnay dito, kapwa nanumpa na sa pwesto sa harap ng Pangulo ang dalawang opisyal.

Si Aliño ay Chairman ng Subic Bay Yacht Club, S.T.A.R. Group of Companies, Subic Bay Freeport Grain Terminal Services, Inc., at Mega Equipment International Corp..

Si Tan naman ay dating naging Alkalde ng Pandan, Antique, at siya rin ang may-ari ng JDT Construction and Supply. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author