dzme1530.ph

Business Confidence Index, bumagsak sa halos 36% sa third quarter ng taon

Bumagsak sa 35.8% ang Business Confidence Index sa ikatlong quarter ng 2023, batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ito ay mas mababa kumpara sa 40.8% na naitala noong April hanggang June.

kabilang sa may mababang confidence index ay ang service industry at wholesale and retail trade sectors, habang tumaas naman ang construction sector.

ini-uugnay ng central bank ang nasabing bilang sa pabago-bagong panahon, mataas na raw materials at production cost, at pagsirit ng inflation at interest rates.

Ang business confidence index ay tumutukoy sa mga impormasyon na naka-base sa ‘opinion survey’ kaugnay sa pagpapabuti ng produksyon, order at stock ng mga produkto sa industry sector. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author