dzme1530.ph

Bus sa India, nahulog sa bangin, hindi bababa sa 10 patay, 55 sugatan

Hindi bababa sa 10 katao ang namatay at 55 ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang bus sa bundok sa Kashmir, India.

Ayon sa mga otoridad, overloaded ang bus na papunta sana sa bayan ng Katra mula sa Northern State ng Punjab Amritsar City nang mahulog ito sa bangin malapit sa lungsod ng Jammu.

Base sa kanilang imbestigasyon, karamihan sa mga nasawi ay mula sa silangang bahagi ng Bihar sa India.

Kaagad naman anila silang nagkasa ng rescue operation sa pinangyarihan ng insidente. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author