dzme1530.ph

Bureau of Treasury, nagpatupad ng insurance program para sa mga assets ng gobyerno

Ipinatupad ng Bureau of Treasury ang National Insurance Indemnity Program (NIIP) para sa coverage ng mahahalagang assets ng pamahalaan.

Saklaw ng NIIP ang inisyal na 132,862 na school buildings ng Department of Education na may approximate value na mahigit P800-B.

Sinabi ng Treasury na sakop nito ang premium para sa pilot program gamit ang excess payout na natanggap mula sa catastrophe bond.

Insured ng Government Service Insurance System (GSIS), layunin ng niip na maprotektahan ang government finances mula sa unexpected losses, bunsod ng mga kalamidad, gaya ng bagyo at lindol, at matiyak na may mapagkukunan ng pondo para sa reconstruction.

About The Author