dzme1530.ph

Bumabang unemployment at inflation, patunay na nagbubunga na ang pagsusulong sa kalakalan at investments ayon sa Pangulo!

Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang bumabang unemployment rate at inflation rate sa bansa ay patunay na nagbubunga na ang pagsusulong ng administrasyon sa kalakalan at investments.

Sa social media post, ipinagmalaki ng Pangulo ang naitalang 4.2% na unemployment rate o bilang ng mga walang trabaho para sa buwan ng oktubre, na itong pinaka-mababa mula noong Abril 2005.

Ibinida rin nito ang 4.1% na inflation rate para sa buwan ng Nobyembre, na pinaka-mababa sa nagdaang 20-buwan.

Sinabi ni Marcos na maituturing itong progreso para sa bansa na kumakatawan hindi lamang sa mga numero kundi sa buhay ng milyung-milyong pilipinong nabigyan ng oportunidad.

Kaugnay dito, naniniwala ang Pangulo na mas magiging kapana-panabik pa ang hinaharap tungo sa pagtatatag ng isang masaganang bagong Pilipinas. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author