dzme1530.ph

Bulto ng mga pasahero na uuwi sa mga probinsya para mag-Pasko, inaasahan simula ngayong Biyernes hanggang bukas

Wala nang patid ang pagdating sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ng mga pasaherong uuwi sa mga probinsya para magdiwang ng kapaskuhan.

Sinabi ng PITX na wala nang masasakyang aircon bus sa ilang mga biyahe, gaya ng mga patungong Bicol, subalit nagdagdag naman sila ng mga unit pero ordinary lang.

Ngayong Biyernes hanggang bukas ay inaasahang mas marami pa ang mga pasaherong dadagsa sa bus terminals para sa long weekend holiday.

Isa rin sa pinaghahandaan ng PITX ang pagsapit ng Dec. 26, araw ng Martes, kung kailan inaasahan ang pagbabalik sa Metro Manila ng mga nagbakasyon sa mga probinsya.

About The Author