dzme1530.ph

Bulkang Taal nagluwa ng higit 9k tonelada ng asupre

Nagbuga ng may 9, 311 tonelada ng asupre ang Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras ayon Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Sinabi rin ng ahensiya na mayroon pa ring upwelling ng mainit na volcanic fluids sa main crater lake, naobserbahan din ang katamtamang pagsingaw na may 1,200 metrong taas na umabot sa timog-kanluran.

Gayundin ang pangmatagalang pag-impis ng kalakhang Taal Caldera na may panandaliang pamamaga ng gawing hilaga at timog silangang bahagi ng Taal Volcano Island.

Habang wala namang naiulat na volcanic tremor.

Sa kabila ng naitalang abnormal na aktibidad, wala pa umanong nakikitang dahilan ang ahensya upang itaas na ang alert status ng bulkan na kasalukuyang nasa level 1.

About The Author