dzme1530.ph

Bulkang Mayon, nasa alert level 1 na; Publiko patuloy na pinag-iingat

Ibinaba na ng Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Alert level 1 ang sitwasyon ng Bulkang Mayon sa Bicol.

Ayon kay PHIVOLCS Resident Volcanologist Dr. Paul Alanis, hindi pa rin nangangahulugan na maaari na ang human activities sa paligid ng bulkan.

Aniya, posible pa rin ang phreatic eruptions anumang oras kung kaya’t hindi nila nirerekomenda ang pagpasok sa loob ng 6 kilometers radius zone ng bulkang Mayon.

Una nang sinabi ng PHIVOLCS na kanilang ibinaba ang alert level status ng Mayon volcano matapos bumaba ang bilang ng naitatalang volcanic earthquakes; volcanic gas; umaayos na ground deformation; at wala na ring nakikitang paggalaw ng lava flow gayundin ang rockfall events.

Gayunman, binalaan ng PHIVOLCS ang publiko na maging mapagmatyag at alerto dahil posible pa rin ang maliliit na landslide at avalanche.

About The Author