dzme1530.ph

Budget Department, naglabas ng panibagong P3-B para sa pagbili ng anim pang patrol vessels ng Philippine Navy

Naglabas ang Department of Budget and Management ng panibagong P3-B pondo para sa pagbili ng anim na Offshore Patrol Vessels (OPV) ng Philippine Navy.

Sa Special Allotment Release Order (SARO) na ni-release sa Department of National Defense, sakop ng funding requirement ang Offshore Patrol Vessel Acquisition ng Navy sa ilalim ng Revised Armed Forces of the Philippines Modernization Program.

Ang unang saro para sa OPV Project ay ni-release noong June 16, 2022.

June 28, 2022 naman nang lagdaan ng DND at South Korean Shipbuilder na Hyundai Heavy Industries ang P30-B OPV Contract para sa anim na barko ng Philippine Navy. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author