Naitala sa P122.2-B ang budget deficit ng bansa noong Mayo.
Ayon sa Bureau of Treasury (BTr), mas mababa ito ng 16.7% kumpara sa P146.8-B na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Sinabi pa ng BTr na dahil sa bumabang deficit noong ikalimang buwan ay natapyasan din ng 28.9% ang deficit simula Enero hanggang Mayo.
Sa unang liman buwan ng taon ay naitala ang P326.3-B na budget deficit kumpara sa P458.7-B na nai-record sa kaparehong panahon noong 2022. —sa panulat ni Lea Soriano