dzme1530.ph

BSP, posibleng ihinto ang interest rate hike sa susunod na monetary policy meeting

Maaaring ihinto ng Bangko Sentral ng Pilipinas sunod-sunod na interest rate hike sa susunod na monetary policy meeting kung magpapatuloy ang pagbaba ng Consumer Price Index ngayong Abril.

Nabatid na muling bumaba ang inflation o ang galaw ng presyo ng mga bilihin nitong Marso sa 7.6% mula sa 8.6% na naitala noong Pebrero, pero nananatili pa rin itong mataas sa 2 to 4% target range ng BSP.

Noong nakaraang buwan nang itaas ng central bank ang benchmark ng interest rate sa 425 basis points o 6.25%.

Ang interest rate ay tumutukoy sa mga kondisyon kapag ang commercial banks ay humiram o namuhunan ng pera sa central bank, at pinakamahalagang paraan upang mapamahalaan ang inflation at currency exchange rate.

About The Author