dzme1530.ph

BSP, i-aadjust ang kanilang inflation forecast

Plano ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na i-adjust ang kanilang full-year inflation forecast sa gitna ng paggalaw ng global oil prices.

Sinabi ni BSP Deputy Governor of Monetary and Economics Sector Francisco Dakila Jr. na ipi-prisinta niya ang Revised Inflation Outlook sa Monetary Board sa kanilang policy-setting meeting.

Aniya, bagaman hindi pa pinal ay posibleng magkaroon ng bahagyang revision sa inflation outlook bunsod ng ilang developments, lalo na sa presyo ng langis.

Sa latest estimate ng BSP, posibleng maitala ang average inflation sa 5.4% ngayong taon habang 2.9% sa 2024 at 3.2% sa 2025.

Inaasahan pa rin ng BSP na papasok sa target na 2% hanggang 4% ang inflation pagsapit ng fourth quarter. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author