dzme1530.ph

BSP, hindi pa namomonitor ang posibleng pagsirit ng presyo ng krudo

Minimal pa lang sa ngayon ang epekto ng nagpapatuloy na giyera sa Israel sa presyo ng langis sa bansa.

Ito ang inihayag ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Eli Remolona Jr.

Ayon kay Remolona, wala pang namo-monitor na pagbabago sa halaga ng piso at presyo ng langis ang BSP ngunit patuloy namang nakabantay ang Monetary Board sa kasalukuyang sigalot sa Gitnang Silangan.

Gayunman, sinabi ni Monetary Board Bruce Tolentino na posibleng magresulta sa pagtaas ng halaga ng langis ang anumang “intensification” sa tensyon sa naturang bansa.

Nangangahulugan lamang aniya ito na kapag tumaas ang presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado ay susunod na ang pagtaas ng halaga ng refine petroleum product na maaaring mauwi sa pagsirit ng inflation. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author