dzme1530.ph

Bryan Bagunas, Marck Espejo, balik sa PH Men’s Volleyball Team para sa SEA V-League

Mayroong malaking reinforcements sa Philippine Men’s Volleyball Team sa Philippine leg ng SouthEast Asia (SEA) V-League, na magsisimula bukas, araw ng Biyernes sa Santa Rosa, Laguna.

Ito ay ang inaasahang pagbabalik nina Marck Espejo at Bryan Bagunas, matapos mapabilang ang kanilang mga pangalan sa nationals’ lineup na inilabas ng Volleyball Philippines kahapon.

Ang dalawang atleta ay Missing in Action sa 32nd SouthEast Asian Games sa Cambodia.

Kabilang pa rin sa team ni coach Sergio Veloso si Steven Rotter, na nag-uwi ng Best Opposite Hitter sa 1st leg ng SEA V-League na ginanap sa Indonesia, kung saan nakakuha ang Pilipinas ng 0-3 card. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author