dzme1530.ph

Brownout, taas-singil sa kuryente, paiimbestigahan ng DOJ

Bumuo na ng investigating panel ang Dep’t of Justice (DOJ) para tutukan ang sunod-sunod na brownout sa Luzon at taas-singil sa kuryente ng Meralco.

Ayon sa DOJ, sakaling mapatunayan ng kagawaran na mayroong pang-aabuso sa konsyumer ang NGCP, MERALCO, at mga power plant sa bansa ay hindi sila magdadalawang isip na sampahan ang mga ito ng kaso.

Matatandaang sinabi ng NGCP na ang sanhi ng halos 4 na oras na rotational brownout sa mainland Luzon ay kakulangan sa suplay ng kuryente.

Ayon pa sa DOJ, pahirap sa konsyumer ang hinihingi ng MERALCO na dadgdag-singil kung kaya’t iimbestigahan din nila ito.

About The Author