dzme1530.ph

British Nurse na pumatay ng 7 bagong silang na sanggol, pinatawan ng habang buhay na pagkabilanggo

Habang buhay na pagkabilanggo ang ipinataw sa British Nurse dahil sa pagpatay sa pitong bagong silang na sanggol at tangkang pagpaslang sa anim na iba habang nasa kanyang pangangalaga.

Convicted ang 33-anyos na si Lucy Letby sa pagpatay sa limang sanggol na lalaki at dalawang babae, dahilan para tagurian siya bilang “UK’s Most Prolific Child Killer in Modern History.”

Inaresto si Letby matapos ang sunod-sunod na pagkamatay ng mga sanggol sa Neonatal Unit ng Countess of Chester Hospital sa Northwest England sa pagitan ng June 2015 hanggang June 2016.

Ayon sa prosekusyon, kadalasang isinasagawa ng British Nurse ang pag-atake sa prematurely born victims, sa kanyang night shift, sa pamamagitan ng pag-inject ng hangin, pagpapainom ng sobrang gatas o paglason gamit ang insulin. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author