Nagbabala ang Bureau of Plant Industry (BPI) sa mga magsasaka laban sa epekto ng mga peste sa kanilang mga ani.
Sa tala ng BPI-Crop Pest Management Division(CPMD), ang limang karaniwang peste na maaaring makapinsala sa wet planting season ang bacterial leaf blight, brown hopper, rodents, rice stem borer, at rice black bug.
Dahil dito, inalerto ng CPMD ang lahat ng crops technical staff na mahigpit na bantayan ang mga lugar na prone sa infestation o impeksyon ng mga naturang peste sa ikatlong kwarter ng taon.
Pinayuhan din ng ahensya ang mga magsasaka na maging vigilante sa kanilang mga pananim at aktibong makipagtulungan sa gobyerno para sa agarang pagpatutupad ng pest management activities. —sa panulat ni Lea Soriano