Binigyang-halaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang garantisadong bilang ng mga botong naia-ambag ng mga Brgy. sa mga kandidato sa national at local elections.
Sa chance interview matapos ang kanyang pagboto sa Mariano Marcos Memorial Elementary School sa Batac City, Ilocos Norte, inihayag ng Pangulo na sa lahat ng halal na opisyal, ang Brgy. Officials ang nakatutupad sa ipinapangako nitong bilang ng mga botong ibinibigay sa mga kandidato sa national elections.
Kaugnay dito, naniniwala si Marcos na ang resulta ng BSKE ngayong araw ay magkakaroon ng epekto at aakyat at sa national level maging sa midterm elections sa 2025.
Sinabi rin ng Pangulo na ito rin ang isa sa mga dahilan kaya’t nagiging napakainit ng Brgy. elections, lalo’t ito ay isinasagawa sa “intimate personal level”. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News