dzme1530.ph

BOP deficit, lumobo sa halos $60-M noong Agosto

Lumobo pa ang overall balance of payment (BOP) deficit ng Pilipinas noong Agosto, batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Mas mataas ito kumpara sa $53 million na naitala noong July, subalit mas mababa naman kumpara sa $572 million na naiulat sa kaparehong period noong nakaraang taon.

Iniuugnay ng central bank ang BOP deficit noong nakaraang buwan sa mataas na net outflows mula sa pagbayad ng gobyerno ng utang sa ibang bansa.

Gayunpaman, nananatiling positibo ang year to date BOP deficit ng Pilipinas sa $2.15 billion mula sa $5.5 billion na naitala noong 2022. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author