Inamin ng Philippine National Police (PNP) na limitado lamang sa 2,700 ang kanilang supply ng body-worn cameras.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brig. Gen. Red Maranan, required ang PNP na magkaroon ng 45,000 units ng body cameras na gagamitin ng mga pulis upang i-record ang mga insidente sa pagsisilbi ng Search o Arrest Warrants.
Sinabi ni Maranan na target ng PNP na bumili ng karagdagang body cameras sa susunod na taon matapos humirit ng pondo para rito sa Department of Budget and Management (DBM).
Una nang napaulat na hindi nagamit ng pulis na sangkot sa pagpaslang sa 17-anyos na binatilyo sa Navotas, ang body camera nito dahil nawalan umano ng baterya.
Hindi naman naging katanggap-tanggap ang alibi nito, dahil bilang responsableng pulis, dapat ay siniguro nito na full charged ang baterya ng body camera bago magsimulang mag-duty. —sa panulat ni Lea Soriano