dzme1530.ph

BOC, target maka-kolekta ng P1-T ngayong 2024

Target ng Bureau of Customs (BOC) na maka-kolekta ng P1-T ngayong 2024, lagpas sa kanilang mahigit P900-B na revenue noong 2023.

Naniniwala si BOC Assistant Commissioner Atty. Vincent Philip Maronilla na posibleng makamit ang kanilang goal kung ipagpapatuloy ng ahensya na mapagbuti pa ang kanilang mga revenue efficiency process.

Binigyang diin ni Maronilla na ang tumaas na “trade and economic activities” sa ports, partikular sa Maynila, Batangas, Cebu, Davao, at Cagayan De Oro, ay nagresulta ng paglobo ng revenue collections noong nakaraang taon, at nakatulong upang mahigitan ng BOC ang kanilang target na P901-B.

Target din ng BOC na ma-digitalize nang buo ang kanilang mga proseso para sa mas madaling transaksyon ng lahat ng stakeholders.

About The Author